Personal na kinamusta ni Senadora Imee Marcos ang mga pamilyang nasunugan sa Brgy. Looc, Mandaue City nitong Miyerkules, Nobyembre 30.

Nagkaloob si Marcos sa mga apektadong pamilya ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kasama ni Sen. Marcos na namahagi ng ayuda sa Mandaue sina Senador Bong Go at Senador Bato Dela Rosa.

Matapos ito, natungo si Marcos sa Ormoc City at namahagi ng tulong sa ating mga kapatid na biktima ng kalamidad.

Nakatanggap ang isang libong benepisyaryo ng tig- P3,000 ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)..

Sinalubony si Marcos nina Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez, Vice Mayor Toto Locsin, Congressman Richard Gomez at mga konsehal. #FRNewsTV #IMEEsolusyon





Leave a comment

Trending