Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang personalidad sa search warrant operation ng Los Baños Pulis kahapon Nobyembre 30, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Nelson residente ng Los Baños Laguna.

Ayon sa ulat ng Los Baños Municipal Police Station nagkasa sila ng search warrant kahapon Nobyembre 30, 2022 sa ganap na 8:50 ng umaga sa may 601 Purok 5, Brgy. Tadlac, Los Baňos, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek matapos mahulihan ng loose firearms.

Nakumpiska sa suspek ang isang (1) unit ng improvise long barrel shotgun.

Ang nasabing suspek ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Los Baños MPS at nahaharap naman sya sa kasong kriminal at paglabag sa RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio ““Mas lalo pa naming papaigtingin ang aming operasyon kontra loose firearms kaya nais ko po na tayo ay magtulungan para mapanatili natin ang kayusan at kapayapaan dito sa lalawigan ng Laguna.” #gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending