Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang personalidad sa buy-bust operation ng Biñan pulis noong Nobyembre 29, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang suspek na si alyas Jek residente ng Biñan City, Laguna.

Sa ulat ng Biñan City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL VIRGILIO M JOPIA, Chief of Police Biñan CPS nagsagawa sila ng isang buy-bust operation ganap na 10:40 ng gabi Nobyembre 29, 2022 na nagresulta sa pagka aresto ng suspek matapos matagumpay na makabili ng hinihinalang ilegal na droga sa nasabing suspek ang mga kapulisan na nag panggap bilang poseur buyer kapalit ang buy bust money sa Brgy. Timbao, Biñan City, Laguna.

Kumpiskado sa suspek ang anim (6) na piraso ng plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na namay timbang na 3.1 gramo na may tinatayang halaga na aabot sa Php 20,150 isang (1) piraso ng Php 500 peso bill ginamit na buy-bust money, Php 800 peso bill hinihinalang drug money, isang (1) piraso ng colt caliber 45, isang (1) piraso magazine, apat (4) piraso bala kalibre 45 at isang (1) piraso sling bag color black.

Nahaharap ang akusado sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang inihahanda rin ang kasong RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Saludo ako sa tropang kapulisan ng Laguna sa walang sawang pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin. ”.#gtgtalampas





Leave a comment

Trending