Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang sampong personalidad sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng Los baños at PSOU PNP kahapon December 2, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sila Ceasar, Rustom, Elgio, Jose, Menardo, Alvin, Pocholo, Romel, Mark at Nicanor.

Sa ulat ni PMAJ REYMOND VALDEABELLA ASISTORES Chief of Police Los Baños MPS nagsagawa sila ng Anti-Illegal Gambling Operation kasama ang PSOU ganap na 8:35 ng gabi December 2, 2022 sa Brgy. Bayog, Los Baños, Laguna na nagresulta sa pagka aresto ng mga suspek matapos maaktohan sa pagkekwenta ng mga taya sa bahay ng operator ng ilegal na Bookies.

Nakumpiska naman sa mga suspek ang Buddles of STL Collection Report form, Calculators, ballpens, at mga nakulektang taya na nagkakahalagang P10,640.00

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Los Baños CPS at nahaharap sa kasong kriminal na PD 1602 as amended by RA 9287.

Ayon sa pahayag ni Police Colonel Silvio “Paiigtingin pa po ng Laguna PNP ang mga operasyon laban sa ilegal na sugal sa buong lalawigan ng Laguna. ”#gtgtalampas

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending