Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang apat na personalidad sa kinasang anti-illegal gambling operation ng Biñan CPS pulis kaninang tanghali December 2, 2022
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sila alyas Reynaldo, Ricardo, Romeo, at Melody.

Sa ulat ng Biñan City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL VIRGILIO MACEDONIA JOPIA Chief of Police Biñan CPS kasama ang Provincial Special Operation Unit (PSOU), nagkasa sila ng anti-illegal gambling operation ganap na 1:50, December 2, 2022 sa Brgy. Dela Paz, City of Biñan, Laguna na nagresulta sa pagka aresto ng mga suspek matapos maaktohang nangungulekta ng bet money.

Nakumpiska sa mga suspek ang Set of Lastillas STL Collection Report Form tatlong (3) Ball pen, Calculator, Stapler at bet money nagkakahalagang Php 55,050.00 pesos.
Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Biñan CPS at nahaharap sa kasong kriminal na PD 1602 as amended by RA 9287.
Ayon sa pahayag ni Police Colonel Silvio “Ang mga ilegal na pagsusugal ay hindi natin palalampasin dahil ito ay isa sa mga sanhi upang makagawa ng krimen ang isang tao.”#gtgtalampas

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A





Leave a comment

Trending