Isang “Retirement Honors” ang isinagawa sa anim na pulis at isang Non-Uniformed Personnel (NUP) ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) ngayong araw ng Biyernes, Disyembre 2, 2022 na ginanap sa Camp General Miguel C Malvar, Batangas City

Pinangunahan ni BPPO Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA ang inihandog na seremonya na tinatawag na “Salamat Kapatid” ng Batangas PPO kina:
Police Executive Master Sergeant Rebecca Paz Humarang
Police Executive Master Sergeant Roman Aquino Humarang
Police Executive Master Sergeant Nazareth Macandili De Guzman
Police Chief Master Sergeant Dondon Guirre Pangilinan
Police Master Sergeant Glorious Gomer Caldo Camacho
Police Corporal Dojie Aranda Ocampo
NUP Caridad Vicencio Elic
Kasama ang kanilang pamilya, tinanggap ng mga magreretiro ang kanilang retirement order. Gayundin ay tumanggap sila ng Medalya ng Pagkilala at gallery of chevron.

Sa kanyang valedictory address, ipinahayag ni PEMS Rebecca Humarang ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa pagbibigay parangal sa kanila. Ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nakasama nila sa buhay paglilingkod. Aniya, ang PNP ang naging bread-and-butter ng kaniyang pamilya kung kaya’t ito ay sadyang kanyang pinangalagaan at pinahalagahan.

Pinuri naman ni PCOL SOLIBA ang mga retirees sa kanilang matagumpay na pagseserbisyo sa Pambansang Pulisya kung saan aniya sa kanilang pagreretiro ay makakapaglaan na ang mga ito ng maraming oras sa kani-kanilang pamilya.

“Gusto nating pasalamatan ang ating mga retirees for those many years of dedicated and faithful to the Philippine National Police. At least natapos nyo ang karera na walang anumang aberya o eksena na ikakasira ng ating hanay, Salamat sa inyo!”. – PCOL SOLIBA.
###piobatangasppo###
###TeamPIO





Leave a comment

Trending