Kampo Heneral Paciano Rizal –Nagsagawa ng outreach program (Project Kalinga) ang Laguna PNP sa Brgy Concepcion Lumban Laguna sa pamumuno ni PCOL RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO noong Nobyembre 26, 2022.

Ang Outreach Program (Project Kalinga) ng Laguna PNP, katulong ang Laguna Officers Ladies Club (OLC), Laguna Provincial Forensic Unit, KKDAT Laguna Chapter at Lumban MPS ay isinabay sa paggunita ng 30th Children’s Month Celebration, 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) and PNP Revitalized KASIMBAYANAN.

Dinaluhan naman eto nila Pastor Arnel Biluan ng All Nation Baptist Church, Hon. Felix P Aniciete, Brgy Chairman, PLT Jessica Magallanes, Deputy Chief of Police, Lumban MPS, at ng Laguna PCADU sa pamumuno ni PLTCOL Melissa M Malayo, Chief PCADU.

Ipinamahagi din ang mga Food Packs, School Supplies at IEC materials para sa (Online Sexual Abuse to Children) at umabot sa 100 indigent na pamilya at 100 na mga bata ang nagging benificiaries na aabot sa Php 51,500 halaga ang naipamigay.

Ayon sa Pahayag ni PCOL Silvio “Patuloy kaming magsasagawa ng ganitong mga programa alinsunod sa programa ng ating Chief, PNP PGEN RODOLFO S AZURIN JR, na KASIMBAYANAN ang pinagsanib na pwersa ng Kapulisan, Simbahan at pamayanan, para kaayusan at kapayapaan tungu sa kaunlaran ng Lalawigan.”#gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A





Leave a comment

Trending