Taos pusong nagpapasalamat ang Provincial Blood Council ng Batangas sa pangunguna ng Chairman nito na si Police Executive Master Sergeant Manuela P Cueto kina Batangas Police Provincial Office Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA, Chief Provincial Health Office Dr Rosvilinda Ozaeta, Dr Josephine Gutierrez, Ms Arlene Brucal, Ms Liza Abrenica, Mr Ronald Generoso, Ms Ofelia Reyes, mga Board Members na sina Hon. Maria Claudette U. Ambida, Hon. Maria Louise G. Vale, at Hon. Arlene Magboo pati na rin sa DepEd, at iba pang miyembro ng Blood Council at mga sponsors na maisakatuparan ang isang gift-giving na may temang “Bigay Handog sa Cancer Warriors na isinagawa noong Disyembre 6, 2022 sa Regina Mandanas Dreamzone, Provincial Capitol Compound, Batangas City.

Masayang nakilahok ang nasa 77 batang cancer warriors mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan kasama ang kanilang mga magulang kung saan sila ay binigyan ng blankets, towels, water jugs, grocery items kasama na ang gatas, candies, at iba pa. Magiliw din silang lumahok sa isang raffle draw na inilaan para sa kanila upang makapagbigay kasiyahan sa kabila ng kanilang iniindang karamdaman.

“Lubos ang aming kasiyahan na maisagawa ang ganitong gawain. Ang inyo pong kapulisan ay taos-pusong nagpapasalamat sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan, iba pang mga ahensya, organisasyon, at mga stakeholders para makapagbigay kasiyahan sa ating mga cancer warriors”. – PCOL SOLIBA.
###piobatangasppo###
###TeamPIO





Leave a comment

Trending