Sa ulat ni PCOL PEDRO D SOLIBA, Provincial Director Batangas PPO kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR., arestado ang isang Most Wanted Person ng Police Regional Office (PRO) 5 sa kasong Murder ng pinagsanib na tauhan ng Sto. Tomas CPS, PIT Camarines Norte, RIU 5, PIT Batangas, PNP IG TSD, CN CIDT, Mercedes MPS, MARPSTA 5, CN 1st PMFC at CN RID/RSOU 5 sa isinagawang operasyon sa Sto. Tomas City, Batangas bandang 8:30 ng umaga ng Disyembre 7, 2022.


Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Erick Basco y Fabricante, 40 taong gulang, walang-asawa, construction worker, tubong Camarines Norte at pansamantalang naninirahan sa Brgy. San Pablo ng nasabing bayan.


Si Basco ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 41, Daet Camarines Norte noong Enero 14, 2019. Ayon pa sa mga otoridad, ang pagpatay ay nangyari noong Nobyembre 7, 2018 sa Purok 4, Barangay Lanot Mercedes, Camarines Norte na kung saan ang akusado, habang armado ng itak ay pauli-ulit na pinagtataga ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.


Ang akusado ay maayos na nai-turn over at nasa kostudiya na ng RIU 5, Camarines Norte at walang inirerekomendang piyansa sa naturang krimen.
“Binibigyan po natin ng pagkilala ang mga accomplishment na tulad nito. Sa ilang taon na pagtatago ng mga tinaguriang wanted sa batas, patunay lamang ito na pagbabayaran ng taong nagkasala ang kanyang kasalanan at pananagutan sa batas”. PCOL SOLIBA

piobatangasppo

TeamPIO





Leave a comment

Trending