Sa pagnanais ng Police Regional Office CALABARZON sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR. na maipakita ang pagpapahalaga at maiparamdam ang pagmamalasakit sa pamilya ng mga kasamahang pulis na namatay at nasugatan sa legitimong police operation, isang “Project Blue Line” ang inilunsad nito.

Bilang bahagi ng naturang proyekto, masayang nagcaroling ang kapulisan ng Batangas Police Provincial Office na pinangunahan ni Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA sa pamilya nina late Police Captain Alvin R. Kison at Police Staff Sergeant John Melver Leyco noong gabi ng Disyembre 6, 2022.

Noong Disyembre 8, 2022 naman ay isang caroling muli ang inihandog sa pamilya nina late Police Master Sergeant Bryan E De Jesus, Police Staff Sergeant Roman D Bejer, at Patrolman Gregorio S Panganiban Jr,.

Matapos handugan ng mga Christmas carols ay binigyan rin ang bawat pamilya ng mga grocery items.

Ikinasiya naman ng mga pamilya ang sorpresang pagka-caroling sa kanila. Hindi naman napigilan ng magulang ni PSSg Leyco ang pagluha sa labis na kagalakan dahil aniya kahit halos apat na taon na ang lumipas ay di pa rin sila nakakalimutan ng kapulisan na minsa’y nakahanay rin sa mga ito ang kanyang anak na si PSSg Leyco.

Ipinahayag naman ni PCOL SOLIBA sa kanyang mensahe na kaagapay nila ang kapulisan ng Batangas at ito ang magsisilbing tulay nila para sa mga oportunidad sa edukasyon at trabaho. Sa pamamagitan ng Project Blue Line ay titiyakin ng PNP na ang mga naulilang pamilya ay magkakaroon ng matatag na income at makatapos sa pag-aaral ang mga anak ng mga namatay at nasugatan sa police operations.

“Ang Project Blue Line ay ipapatupad alinsunod na rin sa mga parameter at mga probisyon ng batas tulad ng Republic Act 6963 o ang pagbibigay ng espesyal na tulong sa pananalapi at mga benepisyo sa pamilya ng sinumang pulis o militar na napatay sa mga police operations o permanente nang walang kakayahang gampanan ang kanyang tungkulin at Executive Order 110 o ang pinalawig na Social Benefits Program”. –PCOL SOLIBA
###piobatangasppo###
###TeamPIO





Leave a comment

Trending