Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ng Laguna Provincial Intelligence Unit (PIU) ang isang National Level Most Wanted Person na may Php 90,000.00 rewards kahapon Disyembre 8, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang National Level Most Wanted Person na si alyas Ranulo residente ng Zamboanga Del Norte.

Ayon sa ulat ng PIU-Provincial Special Operation Unit ng Laguna PNP, nagkasa sila ng Joint Manhunt Operation kasama ang RIU 4A, Roxas MPS, Nagcarlan MPS at Zamboanga Del Norte PPO, kahapon Disyembre 8, 2022 sa ganap na 11:00 ng umaga sa Brgy. Lower Irasan, Roxas, Zamboanga Del Norte, na nagresulta sa pagkaaresto ng akusado.

Ang akusado ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na pinirmahan ni Hon. Agripino G. Morga-Presiding Judge ng RTC Br 32 San Pablo City, Laguna para sa kasong Murder at Qualified Theft na walang pyansang inirerekomenda.

Ang nasabing akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Zamboanga Del Norte, at ililipat naman sa kustudiya ng Nagcarlan MPS kung saan nagmula ang kaniyang kinasangkutan na kaso.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Sa tulong at tips ng ating mamamayan ay unti-unti nating naaaresto ang mga Wanted Criminals na nagtatago sa batas. Eto ang katunayan na ang sama-samang pagtutulungan ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan ay may kapalit na Kaayusan at Kapayapaan tungu sa Kaunlaran ng Lalawigan.” #gtgtalampas

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending