ni: Edjun Mariposque

Ngayong Dec. 11 ay ginanap ang boat race na nilahukan ng mga bangkero na may 16 na bangka. Gamit lamang ang kanilang lakas sa pagsagwan na hinangaan ng mga manonood sa ipinakitang galing ng 2 kalalakihan bawat bangka.

Sa pangunguna ni Mayor Cesar Areza ay matagumpay ang mga programang ito.

Sinundan pa ito ng maraming palaro gaya ng paunahan sa paglangoy, trip to Jerusalem at stop dance.

Matapos nito ay sumakay ang mga panauhing pandangal, LGU, PCG upang ikutin ang Balanak River gamit ang isang barge na isang floating restaurant kung saan ay nagsalo-salo sa isang tanghalian.

Naka antabay naman ang Philippine Coast Guard sa lahat ng oras ngayon sa mga kaganapan upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat.

Sa pagdiriwang ng 354th Founding Anniversary of Pagsanjan Laguna mula December 2 hanggang bukas December 12 ang mismong araw ng Celebration ay iniimbitahan ni NDRRMO Head Gener Dimaranan at Konsihal Jojo Nombre ang lahat na dumalo sa kasiyahan.





Leave a comment

Trending