Kampo Heneral Paciano Rizal –Nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng Laguna PNP sa pamumuno ni Acting Provincial Director PCOL RANDY GLENN G SILVIO, Regional Intelligence Division sa pangunguna ng kanilang Officer in Charge PLTCOL MELVIN R MONTANTE, lahat ng Hepe ng mga Police Station sa Laguna at ng Ramloid Corporation na pagmamay ari ni Mr Ramon A Preza. Ang nasabing pagpupulong ay naganap noong December 10, 2022 sa Multi Purpose Center, Laguna PPO, Brgy Bagumbayan, Sta Cruz, Laguna.

Ang Ramloid Corporation ay ang tanging legal na korporasyon na may otoridad na mag-operate ng STL sa Laguna. Ayon pa kay Mr Preza, siya ay patuloy na tutulong sa Laguna PNP sa kampaniya kontra illegal number games. Inilahad din niya sa nasabing pagpupulong kung paano pinapatakbo ang isang legal na STL. Kaniya pang hinikayat ang LAGUNA PNP na lalo pa nitong ipagpatuloy at mas palakasin pa ang operasyon kontra sa mga bookies (illegal number games).

Sa kaniyang mensahe,binigyang diin ni PCOL SILVIO, na ang Laguna PNP ay buong pwesa na makikipagtulungan sa RAMLOID Corportation upang sugpuin ang iligal na sugal particular ang bookies. Kaniya ding pinag-utos sa lahat ng Hepe ng Police Station sa Laguna na doblehin pa ang ginagawa nilang effort sa panghuhuli sa mga illegal number games.

Sa huli ay binalaan ni PCOL SILVIO ang mga Hepe sa bawat bayan na maaari silang masibak sa kanilang pwesto kung patuloy pa rin na ang pag-operate ng mga mga illegal number games sa kanilang lugar alinsunod na rin sa kautusan ni Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, Region 4A na pairalin ang ONE STRIKE POLICY ng PNP. #gtgtalampas (Edjun Mariposque)


#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending