Muli ay masayang isinagawa ng Batangas Police Provincial Office sa pangunguna ni BPPO Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA ang buong pusong paghahandog ng “Project Blue Line Christmas Caroling” sa pamilya nina late Police Corporal Reynan Magboo Manalo sa Brgy. Sto Niño, San Pascual, Batangas at Patrolman Jay-r Bico Cartaciano sa Brgy. Calubcub 2nd, San Juan, Batangas nitong gabi ng Disyembre 13, 2022.

Ang “Project Blue Line” ay inilunsad sa pagnanais ng Police Regional Office CALABARZON sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR. na maipakita ang pagpapahalaga at maiparamdam ang pagmamalasakit sa pamilya ng mga kasamahang pulis na namatay at nasugatan sa lehitimong police operation.

Hindi lamang masasayang tugtugin ang inialay ng kapulisan kundi nagpaabot din ang mga ito ng mga grocery items at tulong pinansyal. Lubos naman ang pasasalamat ng mga pamilya sa sorpresang pagka-caroling sa kanila gayundin ang pasasalamat sa kabutihan ng kapulisan sa pagkakaroon ng naturang proyekto. Ipinahayag naman ni PCOL SOLIBA sa kanyang mensahe na kaagapay nila ang kapulisan ng Batangas para sa kanilang mga pangangailangan.

“Hindi namin nakakalimutan ang pagbuwis ng buhay ng ating mga kasamahan dahil sa tawag ng tungkulin para sa bayan. Ituring nyo po kaming mga kapamilya at handa po kaming kayo’y aming tulungan sa inyong mga pangangailangan”. –PCOL SOLIBA #piobatangasppo #TeamPIO





Leave a comment

Trending