TRECE MARTIRES CITY | Batay sa Covid-19 census ng Provincial Health Office noong Disyembre 14, nasa 315 dito ang aktibo o kasalukuyang nagpapagaling matapos nakapagtala ang lalawigan ng 71 bagong kaso ng sakit.

Samantala, pumalo na sa 185,709 ang gumaling mula sa Covid-19, habang 3,780 naman ang pumanaw dahil sa mga kumplikasyong dala ng nasabing sakit.

Sa mga lungsod, nakapagtala ang Bacoor sa may pinakamataas na bilang ng mga aktibong kaso ng sakit na may 121 kaso. Sinundan naman ito ng lungsod ng Imus (41), at General Trias (24). Kapwa naman nakapagtala ng 24 active cases ang mga lungsod ng Dasmariñas at bayan ng Tanza. | via Ruel Francisco-PIA Cavite, Cavite Provincial Information Office





Leave a comment

Trending