Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang personalidad sa anti-illegal drugs buy-bust operation ng Calauan PNP noong December 16, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas buboy na naninirahan sa barangay Dayap Calauan, Laguna.

Ayon sa ulat ng Calauan Municipal Police Station sa pamumuno ni PLTCOL PHILIP T AGUILAR, hepe ng Calauan MPS nagkasa sila ng anti-illegal drugs buy bust operation noong Disyembre 16, 2022 sa ganap na 9:20 ng gabi sa may Barangay Dayap Calauan, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa suspek ang anim (6) na pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na aabot sa anim na gramo na nagkakahalaga ng Php 10,380, two hundred twenty pesos Php 220.00 recovered money at five hundred peso bill na ginamit nilang buy bust money.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng Calauan MPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang suspek sa paglabag sa section 5 at 11 ng R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.
Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Sa atin pong mga kababayan dito sa Laguna, asahan po ninyo na ang Laguna PNP ay patuloy ang kampanya laban sa iligal na droga lalo na ngayong nalalapit ang kapaskuhan at bagong taon”. #gtgtalampas

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending