Sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, arestado ang Top 7 Most Wanted Person Municipal Level sa kasong Frustrated Murder sa isinagawang Manhunt Operation ng Tuy PNP nitong Sabado, Disyembre 17, 2022.

Kinilala ni Police Major Eugenio Nepthali E Solomon, Chief of Police ng nasabing bayan, ang suspek na si Lorenzo Alday y Politico, 65 taong gulang, may asawa, walang trabaho at residente ng nasabing bayan. Dakong 12:55 PM ng naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Branch 11, Balayan Regional Trial Court noong Oktubre 22, 2003 na may inirekomendang piyansa na Php 200,000. Ang nasabing kaso ay nangyari pa noong taong 2003 sa kaparehas ding lugar.

Nasa kustodiya na ng Tuy Municipal Police Station ang nasabing suspek.


“Ang Batangas PNP ay patuloy na pananagutin ang sinumang may atraso sa batas upang mapanatili ang kapayapaan at katahimikan ng komunidad.”– PCOL SOLIBA.
###piobatangasppo
#TeamPIO





Leave a comment

Trending