Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Provincial Most Wanted Person ng Liliw Pulis kahapon Disyembre 18, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas William residente ng Lucena City, Quezon.

Ayon sa ulat ng Liliw Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ AJALINO B BALAORO hepe ng Liliw MPS nagkasa sila ng Manhunt Operation ganap na 10:48 ng umaga Disyembre 18, 2022 sa Brgy. Isabang Lucena City, Quezon nag resulta sa pagka aresto ng nasabing akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Agripino G Morga, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 32, Fourth Judicial Region, San Pablo City, Laguna. Ang naarestong akusado ay nahaharap sa kasong Murder na walang pyansang nirekomenda

Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Liliw MPS samantala ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang pagkakaaresto ng akusadong ito ay patunay lamang na hindi nila kayang takasan ang kamay ng batas at kahit saan sila magtago ay patuloy natin silang tutugisin upang mapanagot nila sa hukuman ang kanilang pagkakasalang nagawa”#gtgtalampas





Leave a comment

Trending