Kampo Heneral Paciano Rizal- Arestado ang 27 personalidad sa One-Day Operational Accomplishment ng Laguna PNP sa pangunguna ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO.

Ang One-Day Operational Accomplishment ng Laguna PPO ay isinagawa mula 6:00AM December 20, 2022, hanggang 6:00AM ng December 21, 2022, laban sa illegal na droga, illegal na sugal, loose firearms at mga wanted persons sa buong lalawigan ng Laguna.

Sa anti-illegal drugs operation, nagsagawa ang Laguna PNP ng siyam (9) na operation at nag resulta sa pagkaaresto ng sampung (10) personalidad at nakumpiska sa mga naaresto ang hinihinalang illegal na shabu na may timbang na aabot sa 2.83 na may katumbas na halaga na aabot sa Php 22,362.00.

Sa anti-illegal gambling operation ng Laguna PNP ay nakapagtala naman ng walong operasyon laban sa illegal number games (bookies) at arestado ang siyam (9) na personalidad at umabot sa Php 9,265.00 ang nakumpiskang bet-money. Dagdag pa dito ang dalawang (2) arestadong personalidad sa other forms of illegal gambling at umabot naman sa Php 1,501.00 ang nakumpiskang bet-money.

Sa Most Wanted Person Manhunt Operation, nagsagawa ng limang (5) operasyon ang Laguna PNP na nag resulta sa pagkakahuli ng isang (1) Municipal Level Most Wanted Person para sa kasong kriminal na Violation of Sec. 15, Art II of R.A. 9165, at apat (4) na Other Wanted Person.

Sa Loose Firearm Operation, nakagsagawa naman ng isang (1) operasyon ang Laguna PNP na nagresulta sa pagkakahuli ng isang (1) personalidad at pagkakakumpiska ng isang loose firearm.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang Anti Criminality Operation ng Laguna PNP ay patuluy na lumalakas sa tulung at suporta ng ating pamayanan. Makaasa ang mga Lagunense na pipigilan at susugpuin ng Kapulisan ng Laguna ang kriminalidad para sa kaayusan at kapayapaan tungu sa kaunlaran ng Lalawigan.#gtgtalampas

LifeIsBeautiful KaligtasanNyoSagotKo TulongTulongTayo MKKequalsK PNPKakampiMo PNP4A





Leave a comment

Trending