Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Rank no. 6 Regional Most Wanted Person ng Biñan Pulis kahapon Disyembre 23, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Aquino residente ng Sitio Wawa, Brgy. Malaban, Biñan City, Laguna.

Ayon sa ulat ng Biñan City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL VIRGILIO M JOPIA hepe ng Biñan CPS nagkasa sila ng Joint Operation kasama ang Muntinlupa CPS ganap na 11:40 ng umaga Disyembre 23, 2022 sa Sitio Wawa, Brgy. Malaban, Biñan City, Laguna na nag resulta sa pagka aresto ng nasabing akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Dennis Jusi Rafa, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 154, Biñan City, Laguna. Ang naarestong akusado ay nahaharap sa kasong Murder na walang pyansang nirekomenda

Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CPS samantala ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang tagumpay na pagkakahuli ng ating kapulisan ng Laguna sa Regional Most Wanted Person ay sa tulong at suporta ng ating pamayanan. Makaasa ang ating mamamayan ng Laguna na magpapatuloy ang serbisyo ng Laguna PNP para sa kaayusan, kapayapaan tungo sa kaunlaran ng Lalawigan.”#gtgtalampas

LifeIsBeautiful KaligtasanNyoSagotKo TulongTulongTayo MKKequalsK PNPKakampiMo pnp4a







Leave a comment

Trending