ni: Dryen Zamora

Sa kulungan na magpapasko ang isang babae matapos hindi nakalusot ang dadalahin sanang pamaskong bulto-bultong pinaghihinalaang shabu na itinago sa ari para sa kanyang asawang nakakulong sa Bureau of Corrections Maximum Security Compound sa Muntinlupa City.

Nakilala ang suspek na si Maria Cristina Antonio, taga Tondo Manila na common-law wife ng isang Person Deprived of Liberty (PDL) na si Bernard de Silva.

Base sa imbestigasyon, dakong ala-7:10 ng gabi nang dadalaw sana ang suspek sa kanyang asawa nang mapansin ang kahina-hinalang kilos nito at nang kapkapan sa loob ng cubicle ay napansin ang isang bagay na nakasuksok sa ari nito at inutos sa suspek na ilabas ito.

Nakuha mula sa kanya ang isang nakabalot sa plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Tumanggi siyang magbigay ng pahayag.

Sinampahan ang suspect ng kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.







Leave a comment

Trending