Arestado ang dalawang personalidad sa buy-bust operation ng Calamba pulis kahapon December 27, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Joel at Jefferson pawang residente ng Calamba City Laguna.

Ayon kay PLTCOL MILANY ELPEDES MARTIREZ hepe ng Calamba City Police Station ay nagkasa sila ng isang anti-illegal drugs buy bust operation ganap na 5:30 ng hapon December 22, 2022 sa Brgy. Parian, Calamba City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek matapos magbenta ng ilegal na droga sa mga awtoridad na nagpanggap bilang police poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang (5) pirasong plastic sachet ng hinihinalang ilegal na droga na may timbang na 7 gramo na tinatayang may halagang Php47,600.00 isang (1) piraso small eco bag, isang (1) piraso five hundred peso bill ginamit na pambili at dalawang (2) one hundred peso.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Nagpapasalamat po ang Laguna PNP sa mga kababayan natin sa Laguna sa pagtitiwal at pakikipagtulungan para mahuli ang mga drug personalities na mga ito dahil sa mga impormasyon na binibigay ng mamamayan natin ay mabilis nahuli ang mga suspek.”.







Leave a comment

Trending