Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang personalidad sa buy-bust operation ng Calamba pulis kahapon December 28, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Mon residente ng Calamba City Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY ELPEDES MARTIREZ hepe ng Calamba City Police Station ay nagkasa sila ng isang anti-illegal drugs buy bust operation ganap na 5:59 ng hapon December 22, 2022 sa Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek matapos magbenta ng ilegal na droga sa mga awtoridad na nagpanggap bilang police poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa suspek ang limang (5) pirasong plastic sachet ng hinihinalang ilegal na droga na may timbang na 1.5 gramo na tinatayang may halagang Php Php 10,200.00, isang (1) piraso five hundred peso bill ginamit na pambili at limang fifty pesos bill. Nakuha din sapag iingat ng suspek ang isang (1) caliber .38 tatlong (3) piraso at isang (1) piraso sling bag.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination nahaharap ang suspek sa kasong R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002” habang inihahanda din ang hiwalay na kaso kaugnay sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang kapulisan po ng Laguna ay hindi tumitigil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra ilegal na droga na siyang sumisira sa buhay ng mga kabataan, pamilya at pamayanan. Makaka-asa po kayo na gagawin ang lahat ng makakaya ng Laguna PNP para manatili ang kaayosan at katahamikan dito sa Laguna.”. #gtgtalampas







Leave a comment

Trending