Nakahanda ang Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni BPPO Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Regional Office CALABARZON Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR upang tiyakin ang seguridad, kaayusan at kapayaan para sa pagsalubong sa Bagong Taon sa probinsya ng Batangas.

Kasama sa mga paghahanda ng Batangas PPO ang pagtatalaga ng nasa 85% na mga pulis upang maigting na ipatupad ang police visibility; mobile patrolling; police checkpoints; at OPLAN Bandillo sa lalawigan ng Batangas partikular na sa mga lugar dalanginan, shopping malls, public markets, commercial areas, tourist destinations, transport terminals, at iba pang lugar na maaaring dagsain ng mga tao. Kasama rin sa kahandaan ang paglalagay ng mga public assistance desks (PADs) at walang humpay na pagpapaalala sa mga tauhan ng Batangas PPO na maging alerto upang masiguro ang seguridad ng lahat ngayong Yuletide season.

“Walang naitalang malaking insidente ang pulisya mula nang magsimula ang kapaskuhan. Gayunpaman, pinaalalahanan pa rin po ang lahat na palaging mag-ingat upang maiwasan ang mga krimen. Ang inyo pong kapulisan ay nakahanda para sa ligtas na pagdiriwang ng Bagong Taong 2023. Ang inyo pong kooperasyon, at higit sa lahat ay disiplina, ang kinakailangan para maisakatuparan natin ito. Muli, atin pong pinapaalalahanan ang ating mga kababayan sa mga ipinagbabawal na paputok at indiscriminate firing. Umaasa po kami sa inyong pakikiisa sa ating mga programa”. –PCOL SOLIBA #piobatangasppo #TeamPIO

https://fb.watch/hJfXSgeUKc/







Leave a comment

Trending