Nakiisa ang 202nd Brigade sa pangunguna ni COL ERWIN A ALEA INF (MNSA) PA, Deputy Brigade Commander sa pag-gunita ng Ika-126 Anibersaryo ng Kabayanihan ni Gat. Jose Rizal na may temang, “Rizal: Alaalang Iningatan, Yaman Ngayon ng Bayan” na ginanap sa Museo ni Gat. Jose Rizal-Calamba, Lungsod ng Calamba ngayong araw ika-pito ng umaga.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan nina Kgg. Ramil Laurel Hernandez, Panlalawigang Gobernador ng Laguna; Kgg. Atty. Karen Agapay, Pangalawang Gobernador ng Laguna; Kgg. Roseller H. Rizal, Punong Lungsod ng Calamba at Kgg. Angelito Lazaro Jr., Pangalawang Punong Lungsod; LTC ROMMEL M. AGPAOA INF (GSC) PA, CO, Task Force Ugnay. Ang nasabing aktibidad ay tatak ng kahalagahan ng kabayanihan ni Gat. Jose Rizal na patuloy iniingatan ng sambayanang Pilipino.







Leave a comment

Trending