Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang personalidad sa buy-bust operation ng Cabuyao pulis kaninang madaling araw January 8, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Dedel residente ng Cabuyao City Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL JACK E ANGOG hepe ng Cabuyao City Police Station ay nagsagawa sila ng anti-illegal drugs buy bust operation ganap na 1:32 ng umaga January 8, 2023 sa Brgy. Baclaran, Cabuyao City Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek matapos magbenta ng ilegal na droga sa mga awtoridad na nagpanggap bilang police poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) pirasong plastic sachet ng hinihinalang ilegal na droga na may timbang na 1 gramo na tinatayang may halagang Php 6, 800.00, isang (1) piraso five hundred peso bill ginamit na pambili at isang (1) one hundred peso bill hinihinalang drug money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cabuyao CPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Paiigtingin pa po ng Laguna PNP ang mga operasyon kontra ilegal na droga sa buong Lalawigan ng Laguna. Ito po ginanawa ng Laguna Pulis para ma proteksyonan ang ating mga kakabayan sa dulot na panganib ng ipinagbabawal na gamot. ”. #gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending