Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang Street Level individual sa anti illegal drugs buy-bust operation ng Calamba Kahapon Enero 9, 2023

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Fredie residente ng Calamba City, Laguna.

Ayon sa report ng Calamba City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, hepe ng Calamba CPS nagkasa sila ng anti illegal drugs buy bust operation kahapon Enero 9, 2022 sa ganap na 7:13 ng gabe sa may Asia 1, Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna na nagresulta sa pagka aresto ng suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa akusado ang apat (4) na pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 2.1 gramo na may halagang humigit kumulang Php 14,280.00, isang coni purse na may laman Php 200 pesos at nakuha din sa suspek ang buy bust money.

Sa hiwalay na buy bust operation ng Calamba CPS ay naaresto ang suspek na si alyas Reden sa ganap na 9:34 ng gabe sa may Cuervo 2, Brgy. Real, Calamba City, Laguna matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa suspek ang apat (4) na pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 1.5 gramo na may halagang humigit kumulang Php 10,200, isang coin purse na may laman Php 300 pesos at nakuha din sa suspek ang buy bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Sa pakikipag tulungan ng mamamayan sa ating mga kapulisan ay mabilis na huhuli ang mga drug pusher na mga ito na siyang sumisira sa pamilya, pamayanan at lalong-lalo na sa ating mga kabataan. Makakaasa po kayo na ang Laguna PNP ay hindi titigil sa pagsugpo kontra ilegal na droga”. #gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a







Leave a comment

Trending