Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang personalidad sa drug buy-bust operation ng Calamba PNP matapos makuha sakanya ang pintong (7) gramo ng shabu kahapon January 11, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Randy.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, hepe ng Calamba City Police Station nagkasa sila ng anti-illegal drug buy bust operation ganap na 4:40 ng hapon January 11, 2023 sa Purok 2, Brgy. Real, Calamba City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng naturang suspek matapos magbenta ng hinihinalang ilegal na droga kapalit ang buy-bust money sa mga awtoridad na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang (5) plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 7 gramo namay halagang tinatayang aabot sa Php 47,600.00, isang (1) coun purse, at tatlong (3) piraso ng one-hundred-peso bills at isang (1) five hundred peso bill na ginamit pambili sa nasabing operasyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio, “Sa patuloy na pagkahuli ng mga personalidad na nasasangkot sa ilegal na droga ay dahil po sa tulong at mga impormasyon na bininibigay ng ating mga kakabayan. Nais ko po kayong pasalamatan dahil sa maganda nating samahan mapapanatili natin ang katahimikan at kaayusan sa buong Lalawigan.” #gtgtalampas






Leave a comment

Trending