Nasakote ng pinagsamang pwersa ng San Luis Municipal Police Station at Sta Maria Municipal Police Station-Romblon Police Provincial Office sa kanyang pinagtataguan ang isang lalaking wanted sa kasong panggagahasa dakong alas-9:00 ng umaga ng Enero 14, 2023 sa Brgy. Calumpang East, San Luis, Batangas.

Base sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA kay PRO CALABARZON Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR., nakilala ang nagtagong suspek na si Jennifer Dalisay y Magay, lalaki, 42 taong gulang, tubong Brgy. Malag-Alag, Sta. Maria, Romblon. Siya ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape at Statutory Rape na iniisyu mula sa 4th Judicial Region, Branch 19, Romblon noong Enero 9, 2023 na walang kaukulang piyansa.

Si Dalisay ay tinaguriang rank 8 most wanted person sa Rehiyon ng MIMAROPA. Siya ay maayos nang nai-turn over sa Sta. Maria MPS para sa kaukulang disposisyon.

“Patuloy na paiigtingin ng hanay ng kapulisan ang paghuli sa mga nagtatago sa batas upang magkaroon ng katarungan ang kanilang mga naging biktima. Hinihikayat natin ang publiko na ipag-bigay alam sa ating kapulisan kung may impormasyon kayo hinggil sa mga wanted sa batas”. -PCOL SOLIBA.







Leave a comment

Trending