Matapos ang 19 years na Pagtatago, Most Wanted Person na may kasong Murder at may Reward na (Php140,000) arestado sa ikinasang manhunt operation ng Calamba PNP kahapon Enero 19, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Roger Most Wanted Person residente ng Quezon City.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY ELPEDES MARTIREZ, hepe ng Calamba CPS nagkasa sila ng manhunt operation kahapon ganap na 8:45 ng gabi Enero 19, 2023 sa Brgy. Sacred Heart Kamuning, Quezon City, na nag resulta sa pagka aresto ng nasabing akusado na nagtago ng mahigit labing-siyam na taon sa batas sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Antonio S. Pozas, Presiding Judge of Regional Trial Court Br. 36, 4th Judicial Region, Calamba City, Laguna para sa kasong Murder na walang pyansang nirekomenda.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Calamba CPS samantala ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa kanyang pagkaaresto.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Sa pagka aresto ng akusado ay mabibigyang hustisya ang biktima na isang patunay lamang po na walang nakapag tatago sa batas.”#gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a







Leave a comment

Trending