Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang limang indibidwal sa kinasang follow up operation ng Alaminos PNP at Dasmariñas PNP kahapon Pebrero 6, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na si alyas Romeo, Joel, Jerwin, John at Albert.

Ayon sa ulat ni PCPT Edwin R Goyena, hepe ng Alaminos MPS sa ganap na 2:20 ng madaling araw Pebrero 6, 2023 ay dumulog sa himpilan ng Alaminos CPS ang mga biktima para humingi ng Police Assistance hinggil sa nasabing insidente ng Robbery at Carnapping at agad nagkasa ng follow up operation ang Alaminos PNP kasama ang Dasmariñas PNP na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang (1) unit ng Honda beat MC, color white, isang (1) unit ng Iphone 11 pro, wallet na naglalaman ng mga I.d’s at cash money na Php300, isang (1) unit ng Real Me Cellphone, isang (1) unit Keeway SYM, isang toy gun (Pellet Gun), isang (1) piraso ng Balisong, isang (1) piraso ng Double Blade Dagger at cash money Php 500.

Ang nasabing mga suspek ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Alaminos PNP at nahaharap sila sa kasong kriminal na Robbery with Force and Intimidation and Carnapping.

Ayon sa pahayag ni PCol Silvio “Sa pakikipagtulungan ng ating mga kababayan at sa mabilis na aksyon ng ating kapulisan ay masisigurado natin ang kapayapaan sa lalawigan ng Laguna kaya hinihimok ko kayo na agad magsumbong sa ating mga himpilang ng Pulisya kung meron kayong mabalitaan na krimen.” #gtgmayani #LifeIsBeautiful







Leave a comment

Trending