Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Most Wanted Person City Level sa joint manhunt operation ng San Pedro PNP at PDEG SOU 4A kahapon Pebrero 6, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Eduardo residente ng San Pedro City, Laguna.

Ayon sa ulat ni PLTCOL Rolly B Liegen, hepe ng San Pedro CPS nagkasa sila ng joint manhunt operation kasama ang PDEG SOU 4A kahapon Pebrero 6, 2023 sa ganap na 1:00 ng tanghali sa may Brgy. Poblacion, San Pedro City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng akusado sa bisa ng warrant of arrest.

Nahaharap ang akusado sa kasong kriminal Sec.11 ng RA 9165 na isinampa noong Pebrero 6, 2023 na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 259, Paranaque City.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro CPS samantala ang korteng pinagmulan ng warrant of arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang Laguna PNP po ay patuloy sa pagtugis sa mga may pananagutan sa batas at makaka-asa po ang ating mga kababayan na hindi titigil ang ating mga kapulisan hanggat hindi nakakamit ng mga biktima ang hutisyang para sakanila.”#gtgmayani #LifeIsBeautiful







Leave a comment

Trending