Pitong drug personalities ang naaresto sa iba’t ibang operasyon ng mga operatiba ng Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni BPPO Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA nito lamang araw ng Lunes, Pebrero 6, 2023 sa probinsya.

Naaresto sa Batangas City si Noel Fronda dakong ika-6:43 ng gabi sa Brgy. Calicanto at nakumpiska mula sa kanya ang nasa 0.43 gramo ng shabu na may Dangerous Drugs Board (DDB) value P3, 105.00 at buybust money, dakong ika-8:28 rin ng gabi, naaresto sina Numeriano Leona Jr. Edison Valenzuela sa Brgy. Calicanto at nakuha sa mga ito ang nasa .50 gramo ng shabu na may Dangerous Drugs Board (DDB) value P3, 450.00 at buybust money; dakong alas 10:20 ng gabi huli sa kaparehong barangay si Jessie Antenor at nakuha mula sa kanya ang nasa 0.20 gramo ng shabu na may Dangerous Drugs Board (DDB) value na Php 1,380.00.

Sa Sto Tomas City ay arestado si Mark David Asilum dakong alas-7:55 ng gabi sa Brgy. Poblacion 2 at nakuha sa kanya ang nasa isang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.00 at P500.00-peso bill na ginamit bilang marked money.

Huli rin ng mga operatiba ng Sto Tomas City Police Station ang nakilalang suspek na si Rino Pandinco dakong alas-10:35 ng gabi sa Brgy. Poblacion 2 ng naturang bayan. Nakuha mula sa suspek ang nasa 1.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P8,160.00 at Php 500.00-peso bill na marked money.

At ika-3:35 ng umaga ng Pebrero 7, 2023 sa Brgy. San Bartolome ng kaparehong bayan ay arestado si Stanley Nacionales kung saan nakumpiska sa kanya ang nasa 1.36 na gramo ng shabu at isang P500.00 bill na marked money.

“Tiyak na mapapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lalawigan ng Batangas kung patuloy nating susuportahan ang programa ng gobyerno na puksain ang iligal na droga. Makakaasa po kayo sa walang humpay na anti-criminality campaign ng PNP Batangas sa ilalim ng pangangasiwa ng aming Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR.” - PCOL SOLIBA







Leave a comment

Trending