Kampo Heneral Paciano Rizal – Isinuko ang matataas na kalibre ng mga baril, magazine at bala na pagmamay-ari ng dating konsehal ng Sta Maria, Laguna na si Christened Jayson Cuento sa Sta. Maria MPS kahapon February 7, 2023.

Iniulat ni PMaj Eviener A Boiser, hepe ng Sta. Maria MPS kay Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga isinukong labing-apat (14) na iba’t-ibang kalibre ng mga baril, apat (4) na magazine at dalawampu’t-anim (26) na uri ng bala sa kanilang istasyon sa Sta. Maria Laguna.

Sa report ng Sta. Maria MPS sa tulong ng mga kasalukuyang konsehal ng bayan ng Sta. Maria Laguna, ay isinuko ang mga baril, magazine at bala sa kanilang himpilan na pagmamay-ari diumano ni Christened Jayson Cuento na isa ding dating konsehal ng nasabing bayan.

Kabilang sa mga isinukong baril, magazine at bala ay ang isang (1) Rifle CZ Caliber .22, isang (1) Rifle Winchester Caliber 30.30, isang (1) Rifle TRW (Thompson Ramo Wooldridge) Caliber 7.62, isang (1) Rifle Elisco Caliber 5.56, isang (1) Rifle Ruger Caliber 5.56, isang (1) Shotgun Mossberg Caliber 12GA, isang (1) Shotgun Benelli Caliber 12GA, apat (4) na Pistol Colt Caliber 45, isang (1) Pistol Uzi Caliber 9MM, isang (1) Pistol Beretta Caliber 380, isang (1) Revolver Smith and Wesson Caliber .357, isang (1) Caliber 7.62 Magazine, isang (1) Caliber 5.56 Magazine, isang (1) Uzi Caliber 9mm Magazine, tatlong (3) Colt Caliber 45 Magazine, dalawang (2) .380 Caliber 9mm Magazine, limang (5) pirasong 5.56 na bala, labing-limang (15) pirasong .380 na bala, anim (6) na piraso ng 9mm na bala, labing-limang (15) pirasong 12GA na bala at isang (1) pirasong 357 speed loader na bala.

Kaugnay dito, mayroon ng lumabas na notice letter ng Order of Revocation noong January 30, 2023, revoking sa License to Own and Possess Firearms (LTOPF), Firearm Registration (FR) at Permit to Carry Firearm Outside of Residence (PTCFOR) ni Christened Jayson Almario Cuento at Jonathan Banila Bondad sa kadahilanan ng paggawa ng isang krimen o pagkakasala.

Kung saan ay mayroon ng kinakaharap na criminal-case si Christened Jayson Almario Cuento na siyang itinurong mastermind sa Shooting Incident sa pagkamatay ni Harrison Diamante na nangyari noong January 8, 2023 sa Brgy J Santiago Sta Maria, Laguna.

Sa pahayag ni PCol Silvio, “Ang tanggapan po ng ating mga kapulisan sa buong Lalawigan ng Laguna ay laging bukas kung nais nyo pong isuko ang inyong mga baril na hindi nyo na kayang iparehistro para hindi na tayo masampahan pa ng kaukulang kaso kaugnay dito.” #gtgmayani

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

MKKequalsK

PNPKakampiMo







Leave a comment

Trending