Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang suspek sa magkahiwalay na anti illegal drug buy bust operations ng San Pedro pulis kahapon Pebrero 11, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sila alyas Kevin at Igroy pawang mga residente ng San Pedro City Laguna.

Sa ulat ni PltCol Rolly B Liegen, hepe ng San Pedro City Police Station nagkasa ang kanilang Drug Enforcement Team (DET) ng magkahiwalay na anti ilegal drugs buy bust operation na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek. Arestado si alyas Kevin ganap na 4:35 ng hapon sa Brgy. Pacita 2, San Pedro City, Laguna matapos magbenta ng ilegal na droga sa police officer na nag panggap bilang poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Kumpiskado sa kanya ang tatlong (3) pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga na may timbang na 0.15 gramo na nagkakahalagang humigit kumulang Php 1,500.00 isang (1) coin purse, isang (1) Php 500.00 ginamit na buy bust money at Php 150.00 recovered money.

Sa Hiwalay na operasyon ng San Pedro CPS arestado din si alyas Igroy ganap na
9:29 ng gabi Pebrero 11, 2023 sa Brgy. Pacita 1, San Pedro City, Laguna matapos matagumpay na mabilhan ng ilegal na droga ng mga police officer na nag panggap bilang poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Kumpiskado sa arestadong suspek ang apat (4) na pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga na may timbang na 1.50 gramo na nagkakahalagang humigit kumulang Php 3,750.00, isang (1) coin Purse na naglalaman ng isang (1) pirasong Php 500 na ginamit na pambili at Php 300.00 recovered money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro CPS ang mga arestadong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Ayon sa pahayag ni PCol Silvio “Patuloy po ang operasyon ng Laguna PNP kontra ilegal na droga at nagpapasalamat din po kami sa ating mga kababayan dito sa Laguna sa pakikipagtulungan sa ating mga kapulisan. Sa magandang samahan ng mamamayan at kapulisan ay matitiyak po natin na kayang-kaya nating sugpuin ang ilegal na droga dito sa Probinsya ng Laguna”.#gtgmayani

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending