Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang labing-tatlong (13) personalidad sa kinasang anti-illegal gambling operation ng San Pablo PNP at ng RSOU 4A kahapon Pebrero 12, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sila alyas Pepe, Rodencio, Sabino, Felix, Romeo, Ronilo, Jefferson, Felix, Ranie, Marlon, Eufemio, Gil at Edgar.

Sa ulat ni PltCol Joewie B Lucas, hepe ng San Pablo CPS nagkasa sila ng anti-illegal gambling operation kasama ang Regional Special Operation Unit 4A (RSOU 4A) kahapon Pebrero 12, 2023 sa ganap na 1:15 ng hapon sa may Brgy San Isidro, San Pablo City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek matapos mamataan sa akto na naglalaro ng illegal na sabong.

Nakumpiska sa mga naaresto ang apat (4) na manok panabong, apat (4) na pirasong tari at mga paraphernalia gamit sa panabong at bet money na nagkakahalaga ng Php 5,360.00.
Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyan nasa kustodiya ng San Pablo CPS at nahaharap sila sa kasong kriminal na Violation of PD 1602.

Ayon sa pahayag ni PCol Silvio “Sa pakikipag tulungan ng ating mga kababayan at sa mabilis na aksyon ng ating kapulisan ay mas mapapanatili natin ang kapayapan dito sa lalawigan ng Laguna kaya hinihikayat ko kayo na ipagbigay alam sa ating kapulisan kung meron mga illegal na gawain dito sa lalawigan ng Laguna. ”.#gtgmayani #LifeIsBeautiful







Leave a comment

Trending