Arestado ang tatlong indibidwal sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ng Rodriguez Municipal Drug Enforcement Team (MDET) noong ika-10 ng Pebrero taong kasalukuyan bandang 10:00 ng gabi sa kahabaan ng Phase 1D Kasiglahan Village Brgy. San Jose Rodriguez, Rizal
Iniulat ni Rizal Police Provincial Director, PCOL DOMINIC L BACCAY kay Calabarzon Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR ang operasyon na naganap at ang matagumpay na pagkaka aresto sa mga suspek.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug buy-bust operation ang mga tauhan Rodriguez MPS na pinangunahan ni PCPT FERNAN F ROMULO na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek na kinilalang sina Garry Ian Soriao y Tayas @NONOY, tatlumpu’t walong taon gulang, Sammy Dela Cruz y Dacumos @ULOY, dalawamput’ tatlong taon gulang at Ryan Soriao y Batain @ARJAY, labing walong taon gulang na pawang mga nakatira sa Rodriguez, Rizal.

Narekober at nakumpiska mula sa mga suspek ang sumusunod na ebidensiya:
a. Suspected shabu na may bigat na humigit kumulang 37.2 grams na tinatayang nagkaka halaga ng Php252,960.00.
b. Isang (1) kalibre .38 na baril
c. Limang (5) pirasong bala ng caliber .38
d. Tatlong (3) piraso ng 100 pesos buy-bust money
e. 800 pesos confiscated money
f. Isang (1) piraso ng belt bag
g. Isang (1) piraso ng coin purse
Ang suspek at mga ebidensya ay dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa tamang disposisyon. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Rodriguez Custodial Facility ang nasabing mga suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 at Firearms Law o R.A 10591.

Ang sunod sunod na matagumpay na operasyon ng Rizal PNP ay isang babala sa mga gumagawa ng labag sa batas na wala kayong puwang sa probinsya ng Rizal. Ang kapulisan ng Rizal ay hindi titigil sa pagta trabaho upang mapigilan ang paglanap ng ilegal na droga at pagkakaroon ng di lisensyadong baril. Sinisiguro ng Rizal PNP na ang mga mamayan at probinsya ng Rizal ay ligtas mula sa mga ilegal na aktibidad, illegal drugs at kriminalidad.
###
“Life is Beautiful. Kaligtasan Nyo Sagot Ko…Tulong-tulong Tayo”







Leave a comment

Trending