Kampo Heneral Paciano Rizal – Kumpiskado ang mahigit na PHP 2.4 M halaga ng hinihinalang Illegal na Shabu at arestado ang 11 na personalidad sa isang araw na operasyon ng Laguna PNP kontra ilegal na droga sa pamumuno ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO.

Ang isang araw na operasyon ng Laguna PPO kontra illegal na droga ay isinagawa mula 4:00AM ng February 15, 2023, hanggang 4:00AM ng February 16, 2023 sa buong lalawigan ng Laguna.

Sa loob lamang ng isang araw, nagsagawa ang Laguna PNP ng walong Anti-Illegal Drugs Operations at nag resulta sa pagkakaaresto ng 11 na personalidad at nakumpiska sa mga naaresto ang mga hinihinalang ilegal na droga na may timbang na aabot sa 353.1 gramo na may katumbas na halaga na aabot sa Php 2,401,080.00.

Kasama dito ang pagkakahuli kay alyas Michelle at Edrian sa isinagawang buy-bust operation ng San Pablo PNP bandang 8:17 ng gabi sa may Brgy San Cristobal, San Pablo City, Laguna matapos magbenta ng hinihinalang illegal na shabu sa police poseur buyer at nakumpiska naman sa mga suspek ang hinihinalang ilegal na droga na may timbang na aabot sa 350 gramo na may katumbas na halaga na humigit kumulang sa Php 2,380,000.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Ang kampanya ng Laguna PNP kontra ilegal na droga ay amin pang pina-iigting. Ang buong pwersa ng kapulisan ng Laguna ay sama-samang pagsisikapan na hulihin lahat ng sangkot sa illegal drugs. Umaapila naman ako sa ating pamayanan at simbaham na suportahan ang ating kapulisan para sa ikabubuti ng ating kumunidad.. #gtgmayani
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending