PNA: Inilabas ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang wanted poster ng anim na suspek sa kaso ng nawawalang mga ‘sabungero’.

Ito ay matapos lumabas ang warrant of arrest para sa kidnapping at serious illegal detention ang korte laban sa anim na sina Julie Patidongan alyas Dondon, Mark Carlo Zabala, Roberto Matillano Jr., Johnny Consolacion, Virgilio Bayog at Gleer Codilla alyas Gler Cudilla.

Nag-alok ang Department of Justice ng P6 MILLION reward para sa anumang impormasyon sa pagkakaaresto sa anim na suspek.

“Kami ay umaasa na sa pamamagitan ng mga poster na ito at sa impormasyon na magmumula sa ating mga kababayan ay mapapabilis natin na matunton ang kanilang pinagtataguan at agarang pagkahuli ng mga akusado, We expect that these posters would help us getting information on the whereabouts of itong mga suspek para sa kanilang agarang pag-aresto),” ani CIDG chief Brig. Heneral Romeo Caramat Jr.

Dagdag pa ni Caramat na ang mga poster ay ipapamahagi sa buong bansa at ipapaskil sa lahat ng police units, places of convergence, social media at sa website ng CIDG.

Hinikayat niya ang publiko na tulungan sila sa anumang paraan upang mahuli ang mga akusado.

Ang kaso ng walong mahilig sa sabong na nawala matapos sumama sa isang sabong sa Manila Arena noong Enero 13, 2022 ay isa sa walong kaso na iniimbestigahan ng CIDG sa pamamagitan ng Special Investigation Task Group “Sabungero”.

Sa ngayon, ang mga reklamong kriminal na inihain ng CIDG sa kaso ng Manila Arena at ang kaso ng nawawalang e-sabong master agent na si Ricardo Lasco ay napag-alamang may probable cause ang korte, na nagresulta sa pagkakasakdal sa mga respondent sa pamamagitan ng pagpapalabas ng warrant of arrest.







Leave a comment

Trending