Camp MGen Licerio I Geronimo Taytay, Rizal- Nakumpiska ang tinatayang higit 200 libong halaga ng hinihinalang shabu, baril at mga bala sa kahaban ng So Manalite Phase 1 Amara, Brgy. Sta Cruz, Antipolo City.

Iniulat ni PCOL DOMINIC LABBAO BACCAY, Provincial Director Rizal PPO kay Regional Director PRO 4A CALABARZON PBGEN JOSE MELENCIO CORPUZ NARTATEZ JR. ang pagkakadakip sa isang high value na inidibidwal sa pagbebenta ng iligal na droga.

Ayon sa imbestigasyon, ang City Drug Enforcement Team (CDET) ng Antipolo ay nagpatupad ng buy-bust operation dakong 3:17 ng hapon February 17 taong kasalukuyan sa nasabing lugar na naging resulta sa pagkakahuli kay Jayson Hornrdo y Gatus @JASON, 29-taong gulang at nakatira sa Antipolo Rizal (HVI/ARRESTED).

Nakumpiska mula sa suspek ang mga sumusunod na ebidensya:
Sampung (10) pakete ng hinihinalang SHABU na may bigat na humigit kumulang 30.50 gramo na nagkakahalaga ng Php 207, 400.00
Isang (1) kalibre ng .38 na baril
Tatlong (3) bala ng kalibre .38
Isang (1) piraso ng 500 peso bill (buy-bust money) at, Isang (1) dilaw na belt bag.

Ito ay minarkahan, inimbentaryo at kinuhanan ng litrato sa mismong lugar ng operasyon at presensya ng suspek na agad rin namang ipinaalam ang lahat ng karapatan.

Dinala ang mga ito sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa tamang dokumentasyon at disposisyon. Samantala, kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Antipolo Custodial Facility na nahaharap sa reklamong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A 10591 o Firearms Law.

Pinuri naman ni PCOL DOMINIC L BACCAY, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office ang naging matagumpay na operasyon at naninindigan ito na ang mga kapulisan ng Rizal ay lalong magsisigasig upang mahuli ang mga taong patuloy na tumatangkilik at nagbebenta ng iligal na droga dito sa probinsya.







Leave a comment

Trending