Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang suspek sa isinagawang implementasyon ng Search Warrant kahapon February 24, 2023

Kinilala ni Laguna Police Provincial Director Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO ang suspek na si alyas Vergilio residente ng Cabuyao City.

Sa ulat ni PLTCOL JACK ANGOG, Hepe ng Cabuyao City Police Station isinagawa ang implementation of search warrant ng mga personnel ng Drug Enforcement Team ng Cabuyao CPS na nagresulta sa pagkakaaresto ng nasabing suspek at pagkakumpiska ng mga pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang halaga na aabot sa Php 1,500.000.00.

Ang nasabing search warrant ay pirmado at inilabas ni Executive Judge Divinagracia G. Bustos-Ongkeko, ng Regional Trial Court Branch 91, Sta. Cruz, Laguna.

Nakumpiska sa nasabing operation ang sampung heat-sealed transaparent plastic sachet na naglalaman ng mga hinihinalang shabu at may timbang na tinatayang aabot sa 250 grams, nakumpiska din ang ibang kagamitan katulad ng weighing scale, gunting at dalawang piraso ng gas pipe.

Ang naaarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Cabuyao CPS habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Regional Forensic Unit Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna para sa forensic examination.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Sa pahayag ni PCol Silvio, “Patunay lamang po ito na kami sa hanay ng PNP ay tuloy-tuloy ang laban kontra ilegal na droga at makakaasa po kayo na hindi kami hihinto sa mga ganitong operasyon upang tuluyan nating makamit ang ligtas at payapang pamayanan.” #gtgmayani







Leave a comment

Trending