Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang suspek sa isinagawang implementasyon ng Search Warrant kahapon February 25, 2023

Kinilala ni Laguna Police Provincial Director Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO ang suspek na si alyas Ricardo residente ng Kalayaan, Laguna.

Sa ulat ni PMaj Reden B Valdez, Hepe ng Kalayaan MPS isinagawa nila ang implementasyon ng Search Warrant kahapon Pebrero 25, 2023 sa ganap ng 8:00 ng umaga sa may Sitio Malaking Pulo, Brgy. San Juan, Kalayaan, Laguna na nag resulta sa pagkaaresto ng suspek matapos makumpiska ang isang (1) unit ng Caliber 38 revolver at walong pirasong bala.

Ang nasabing search warrant ay pirmado at inilabas ni Executive Judge HON. DIVINAGRACIA G. BUSTOS-ONGKEKO ng Regional Trial Court Br. 91, Sta. Cruz, Laguna.

Ang suspek ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Kalayaan MPS at nahaharap sa kasong R.A 10591 Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

Ayon sa pahayag ni PCol Silvio “Sa pakikipag tulungan ng ating komunidad sa ating Kapulisan, matagumpay at maayos na naipapatupad ang mga operasyong ito, kaya hinihikayat ko ang ating komunidad na palakasin ang ating organisasyon para sa mas magandang ugnayan, tungo sa kaayusan, kapayapaan at mas ikauunlad ng lalawigan ng Laguna.” #gtgmayani
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending