Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang anim (6) na personalidad sa ikinasang operasyon ng Provincial Special Operation Unit (PSOU) ng Laguna PNP kontra Illegal Gambling, sa Calauan Laguna.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Josephine, Liza, Jocelyn, Redentor, Jun, at Marivic na pawang mga residente ng Brgy Lamot 2, Calauan, Laguna.

Ayon sa ulat ng PSOU sa pamumuno ni PMAJ EDISON B OUANO, Chief PSOU, bandang 5:05 ng hapon ng Pebrero 27, 2023, nagkasa ng Anti-Illegal Gambling Operation ang mga operatiba ng PSOU sa Purok 5 Hardinan Brgy Lamot 2, Calauan, Laguna, na nagresulta sa pagkaka aresto ng mga suspek habang huli sa aktong naglalaro ng ilegal na sugal na bet-game.

Nakumpiska naman sa mga suspek ang isang (1) set ng playing card at bet money na nagkakahalaga ng Php 1,415.00 sa iba’t ibang denominasyon.

Kasalukuyang nasa himpilan ng PSOU ang mga suspek habang ihinahanda ang kasong PD 1602 o Violations of Philippine Gambling Laws at dadalhin sa detention facility ng Calauan MPS.

Sa pahayag ni PCol Silvio, “Patuloy pang pina-iigting ng kapulisan ng Laguna ang kampanya kontra sa Illegal Gambling. Pinupuri ko naman ang kapulisan ng PSOU sa aktibong pagganap sa kanilang tungkulin, at binabalaan ko rin ang mga illegal gamblers na itigil na ang ganitong uri ng aktibidad dahil patuloy ang operasyon ng Laguna PNP para puksain ang mga ganitong gawain”. #gtgmayani
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending