Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Most Wanted Person Provincial Level sa kinasang manhunt operation ng Calamba PNP kahapon March 1, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Kim residente ng Calamba City, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, Hepe ng Calamba City Police Station nagsagawa sila ng manhunt operation ganap na 12:00 PM March 1, 2023 sa Brgy. Looc, Calamba City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng nasabing akusado.

Isinagawa ang nasabing operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Fourth Judicial Region Br. 92, Calamba City, Laguna na nilagdaan ni Hon. Angelica A-Mailom-Orendain, Presiding Judge, Regional Trial Court nahaharap ang akusado sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng Calamba CPS ang nasabing akusado samantalang iinpormahan naman ang pinagmulan ng warrant sa pagkahuli ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Ang mga operasyon ng Laguna PNP laban sa mga nagtatago sa batas ay mas paiigtingin pa sa mga mamamayan ng Laguna patuloy po tayong magtulungan para sa mas mabilis na pagkahuli o pagkaaresto ng mga akusado”. #gtgmayani
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending