Kampo Heneral Paciano Rizal –Arestado ang 20 personalidad kahapon Marso 3, 2023 sa One Day Anti-Illegal Drugs Operations ng Laguna PNP, sa pamumuno ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO.

Ang kampanya ng Laguna PNP laban sa ipinagbabawal na droga ay maigting na iniimplementa ng kapulisan ng Laguna, sa tulong at suporta ng pamayanan lalong-lalo na ng Barangay Intelligence Network (BIN’s) sa ibat-ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.

Ang One Day Anti-Illegal Drugs Operations ng Laguna PNP ay nagresulta sa pagkaka aresto ng 20 drug personalities, sa naisinagawa nitong 17 operasyon sa buong probinsiya, kumpiskado naman ang 8.5 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang aabot sa Php 57,800.00 at hinihinalang marijuana na may timbang na 4.7 grams na may halagang aabot sa Php 564.00. Sa kabuuan umabot sa halagang Php 58,364.00 ang nakumpiskang ilegal na droga ng Laguna PNP sa isang araw na Anti-Illegal Drug Operations.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating unit ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ibidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination. Samantala, nahaharap ang mga naarestong suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Magsilbi sanang babala ito sa mga kababayan natin na patuloy na tumatangkilik sa pagbebenta at pag gamit ng ipinagbabawal na droga, ang Laguna PNP po ay aktibo katuwang ang komunidad sa pagsugpo ng ilegal na droga sa ating lalawigan.” #gtgmayani
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending