Sa ilalim ng Executive Order No. 2 Series of 2023 ay inaatasan natin ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan ng Laguna na magpatupad ng Asynchronous Classes para sa lahat ng antas, mula March 6-10, 2023.

Suspendido ang face-to-face classes at sa halip ay modular o online learning muna bilang alternatibo. Ito ay bilang tugon sa nakabadyang transport strike ng ilang pampasaherong sasakyan sa buong bansa.

Para makatulong na magkaroon ng masasakyan ang publiko ay iikot ang ating mga government vehicle para magbigay ng libreng sakay. Hinihikayat natin ang mga LGU na mayroong magagamit na government vehicle na magsagawa din ng libreng sakay sa kani-kanilang lugar.

Antabayanan po ang susunod nating post tungkol sa buong detalye at magiging routa ng libreng sakay.







Leave a comment

Trending