Kampo Heneral Paciano Rizal – Nakahanda na ang Pulis Laguna, kaugnay sa Week-long Nationwide Strike ng Transport Groups simula ngayong araw.

Sa pamumuno ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO, ay naka-deploy na ang 707 pulis sa buong Lalawigan para panatilihin ang kapayapaan at matiyak ang kaligtasan ng publiko, kaugnay sa nagaganap na Nationwide Strike ng Transport Groups.
Nakatatag narin ang 79 na checkpoints, at nakahanda ang 68 PNP personnel bilang Reactionary Standby Support Force (RSSF) at 60 PNP personnel na Civil Disturbance Management (CDM) contingent, para sa anumang kaganapan.

Katulong ang mga LGU’s at iba pang mga Force Multipliers mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG), ay nakahanda narin upang magbigay ng tulong na panseguridad sa mga sektor ng transportasyon na hindi sasali sa “Week-long Transport Strike”.
Samantala, 86 government vehicle na makakapaglaman ng 785 na katao ang umiikot sa buong Lalawigan para magbigay ng libreng sakay sa ating mga commuters sa kani-kanilang lugar, kasama dito ang 41 PNP mobile patrol, 1 truck, at iba pang Government vehicle.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, ang buong pwersa ng Pulis Laguna ay nakahanda sa Week-long Nationwide Strike of Transport Groups laban sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng Pamahalaan. Nakiki-usap naman ako sa ating mga Transport Groups, na huwag gumawa ng ilegal na aktibidad, at hayaang makabyahe ang mga commuters. #gtgmayani
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending