PNP – BPPO News Release 2022 – 48

Pormal na sinimulan ng Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni BPPO Provincial Director Police Colonel PEDRO D SOLIBA, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR., ang pagdiriwang ng National Women’s Month na may temang, “WE for gender equality and inclusive society” alinsabay sa isinagawang Flag Raising and Awarding Ceremony na ginanap nitong Marso 6, 2023 sa Camp General Miguel C Malvar, Batangas City.

Tumayong panauhing pandangal sa naturang seremonya ang President ng Soroptimist International Batangas Downtown (SIBD) na si Ms Susie Ann Blanco kung saan pinangunahan niya ang pagbibigay parangal sa mga natatanging “Aleng Pulis” ng Batangas PPO.

Bahagi rin ng pagdiriwang ang pagkakaroon ng parada na pinangunahan ng mga Ambassadress for HOPE and Information Operation ng PNP-Provincial Community Affairs and Development Unit mula Batangas PPO Camp hanggang Provincial Capitol, Batangas City at vice-versa. Naglalayon itong isulong ang mga plano at programa ng PNP alinsunod sa pagsulong ng mga karapatan ng kababaihan.

Gayundin ay nagkaroon ng tinatawag na “Pamper Day” katuwang ang SIBD na pinangasiwaan ni District Director Pauline P. Bondad, TESDA, at BJMP. Tampok sa naturang “Pamper Day” ang isang trade-fair, make-up tutorial, at 30-minute massage sa BPPO covered court. Layon ng naturang aktibidad na mahandugan ang mga kababaihan ng Batangas PPO ng pagkakataon na makapagrelax.

“Napakalaki ng kontribusyon ng ating kababaihan sa kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan ng komunidad. Sa pamamagitan nila na mga empowered women ay kayang-kaya nating makamit ang tunay na kaunlaran na siyang nagpapaganda ng ating buhay at ng mundo. Samantala, bilang bahagi ng adbokasiya ng pagdiriwang ng National Women’s Month, ipinagpapatuloy ng PNP Batangas ang pagsasagawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa gender equality and women empowerment”.–PCOL SOLIBA







Leave a comment

Trending