Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Rank No. 1 Most Wanted Person Regional Level sa kinasang manhunt operation ng Calamba Pulis kahapon Marso 6, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Angel residente ng Calamba City, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, Hepe ng Calamba City Police Station nagkasa ang kanilang warrant personnel ng manhunt operation laban sa akusado ganap na 12:40 ng hapon Marso 6, 2023 sa Brgy. Kay-Anlog, Calamba City, Laguna na nag resulta sa pagkadakip ng nasabing akusado.

Isinagawa ang nasabing operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Family Court Br. 8, Calamba City, Laguna na nilagdaan ni Hon. Ave A. Zurbito-Alba, Acting Presiding Judge. Nahaharap ang akusado sa kasong Lascivious Conduct (12 Counts) na nakapaloob sa RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.” na may piyansang nirekomenda na halagang Php 200,000.00 kada isang kaso.

Ang nasabing akusado ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Calamba CPS samantalang iimpormahan naman ang pinagmulan ng warrant of arrest sa pagka aresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCol Silvio “Sa pagkaaresto ng akusado ay mabibigyang hustisya ang kanyang biktima maging ang kanilang pamilya at titiyakin po namin na mananagot sa batas ang akusadong ito. Nagpapasamalat din po kami sa ating mamamayan ng Laguna sa patuloy na suporta at pagbibigay ng mga impormasyon upang mabilis mahuli ang mga nagtatago sa batas.” #gtgmayani
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#PNP4A







Leave a comment

Trending