Isa sa mga layunin ng 68th Infantry (Kaagapay) Battalion ang mapanatili ang kapayapaan at isulong ang maunlad na pamayanan sa lalawigan ng Occidental Mindoro. Kaugnay nito, muling binisita ng mga kasundaluhan ng 68th Infantry (Kaagapay) Battalion ang mga Katutubong Batangan sa Sitio Palbong, Brgy Batong Buhay, Sablayan, Occidental Mindoro na binubuo at nanggaling sa ibat-ibang pamayanang katutubo sa bayan ng Sablyan upang kumustahin at alamin ang mga umiiral na suluranin ng mga katutubo sa lugar.

Kilala ang Tribong Batangan sa lalawigan ng Occidental Mindoro sa kanilang masaganang kultura’t tradisyon. Isa sa kanilang pangunahing kabuhayan sa lugar ay ang pagsasaka na kung saan isa sa mga suliranin ng ating mga kapatid na katutubo ang mababang halaga ng kanilang mga produktong sa merkado na kung saan hindi sumasapat sa pang araw-araw na gastusin ng kanilang pamilya.

Kung kaya’t isa sa mga naging inisyatiba ng ating mga kasundaluhan ay tulungang maibenta ang mga produkto ng ating mga kapatid na katutubo sa mas mataas na halaga sa pamamagitan ng pag promote ng mga produkto at pag imbita ng mga mamimili at negosyante sa lugar. Ang ganitong inisyatiba ay isa ring paraan ng kasundaluhan upang mahikayat ang mga katutubo na makipagtulungan sa pagbibigay ng impormasyon ukol sa myembro ng Armado na pumupunta sa kanilang pamayanan.

Kaugnay nito, noong Ika-28 February taong kasalukuyan buong pusong pasasalamat ang ipinaabot ng mga katutubo sa pangunguna ng kanilang pinunong tribo na si Elmer D Legasion sa mga kasundaluhan ng 68IB sapagkat marami ng negosyante ang dumayo at nag angkat ng kanilang mga produkto at ito’y naibenta nila sa makatarungang halaga.

Ipinabatid naman ni LTC MARLON T SALVADOR INF (GSC) PA, Battalion Commander ng 68IB na patuloy na itataguyod at susuportahan ng mga kasundaluhan ang ating mga katutubo upang mas maging maunlad ang kanilang pamumuhay katulong ang ibat-ibang lokal na ahensya ng pamahalaan nang sa gayon ay mawakasan ang insurhensiya sa lalawigan na ang pangunahing target ay ang sector ng mga katutubo na madalas ay biktima ng panlilinlang, ekstorsyon at pang aabuso ng CPP-NPA-NDF.

Nasa mga larawan ang mga tropa ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ay sumali sa seremonya ng pagtatanim ng puno sa San Andres Military Reservation noong Martes, Marso 7, 2023.

Nasa mga larawan ang mga tropa ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ay sumali sa seremonya ng pagtatanim ng puno sa San Andres Military Reservation noong Martes, Marso 7, 2023.
May kabuuang 208 sundalo, sa pangunguna ni 2ID Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong, ang nagtanim ng 1,500 punong namumunga, kabilang ang rambutan, kaimito, duhat, at durian na donasyon ng Provincial Environment and Natural Resources Office – Laguna. Ang nasabing kaganapan ay bahagi ng isang buwang pagdiriwang ng 2ID’s 47th Founding Anniversary.

Leave a comment

Trending